Aksidente sa Batangas…
Ipinaskil ni zealard sa Marso 13, 2008
MEDIA: ‘Lo, kayo daw po’ng saksi?
LOLO: Ay uwo! Ika’y pumarne dine sa
silong. Kung ako pa naman ang
dadais sa
iyo para magsalaysay ay sulong!
MEDIA: ‘Sensya na po sa abala.
LOLO: Ako’y naka-ungkot laang dine at
karakaraka’y ako’y nagitla sa
busina.
May mag-inang hasing-hasi pa ng
paghihikap ay gab-eng gab-e na!
Bakingga
aring dyip ay saksakan ng tulen? Ay di
ako’y palakat na sa mag-inang di
naiingli! Aba’y maiipit na’y naka-umis
pa! Kainaman! Hayown! Sa
pag-iwas ng
dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap
ang tapaludung lasa ko’y kawangki
ng
nilamukos na kiche. Pagkakabugnot ng
drayber! Ngalngal e!
MEDIA: Ano raw?



